Mister ginilitan sa harap ni misis

ANTIPOLO CITY – Isang lalaki ang namatay makaraang pagsasaksakin at laslasin ang lalamunan nito ng di kilalang lalaki na kumatok lamang sa kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Sitio Macopa Brgy. Bagong Ngayon ng nasabing lungsod.

Dead on the spot ang biktimang si Florencio del Mundo, 52, gunsmith, residente ng nasabing lungsod, samantala, mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspek.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:45 ng gabi sa bahay ng biktima habang matutulog na ito kasama ang kanyang misis.

Kumatok sa pintuan ng kanilang bahay kaya agad namang tinungo ng mag-asawa ang pintuan at binuksan ng biktima subalit bigla na lamang itong pinagsasaksak ng suspek at di pa nasiyahan, nilaslas pa ang leeg at mabilis na tumakas ang suspek sa di batid na lugar habang nagsisisigaw naman ang asawa ng biktima.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya para sa agarang pagkakadakip ng suspek at kung ano ang motibo nito. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments