5 sibilyan dinukot ng NPA
September 15, 2003 | 12:00am
NUEVA ECIJA Limang sibilyan ang iniulat na dinukot ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang ang mga biktima ay lulan ng traysikel sa kahabaan ng highway na sakop ng Sitio Lumboy Bukid, Barangay Puncan, Carranglan, Nueva Ecija noong Sabado ng umaga, Setyembre 13, 2003.
Kabilang sa dinukot na may apelyidong Corpuz ay nakilalang sina Salvador, 50; Victor, 25; Albert, 22; Robert, 22 at Roel, 19 na pawang residente ng Sitio Daldalayap, Brgy. Puncan.
Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya, naitala ang pangyayari dakong alas-8 ng umaga makaraang harangin ng mga armadong lalaki ang sinasakyang traysikel ng mga biktima na minamaneho naman ni Dominador Corpuz.
Pinababa ang mga biktima bago isinakay sa magkahiwalay na van patungo sa direksiyon ng Nueva Vizcaya at San Jose City.
Agad namang ipinaalam ni Domindor sa mga awtoridad ang naganap na pangyayari at sa kasalukuyan ay nangangalap pa ng impormasyon tungkol sa motibo nang pagdukot.
Nagtayo na rin ng checkpoint ang mga tauhan ng 308th PNP Provincial Mobile Group sa mga posibleng lagusan ng mga kidnaper. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am