4 patay sa madugong b-day party
September 14, 2003 | 12:00am
RIZAL Naging madugong birthday party na ikinasawi ng apat-katao, kabilang ang isang kagawad ng pulisya makaraang ratratin ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan ang videoke bar sa Barangay Dolores, Taytay, Rizal kamakalawa ng gabi.
Idineklarang patay sa Manila East Medical Center sina PO1 William Taxson, Cristina Ramos, Danilo Bercasio at Cesar Clamar na pawang residente ng Tayuman, Binangonan, Rizal.
Kritikal naman sina PO2 Manuelito Inosanto at Raquel dela Cruz matapos na tamaan ng bala ng M-16 armalite sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Tinutugis naman ng pulisya ang apat na suspek na tumakas sakay ng van na may plakang DLW-209 sa hindi nabatid na direksiyon.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya na humingi ng tulong sa himpilan ng pulisya ang birthday celebrant na si Cesar Clamar dahil sa nanggugulo ang mga hindi kilalang armadong lalaki sa videoke bar.
Agad namang nagresponde sina Taxson at Inosanto para payapain ang nagaganap ng kaguluhan.
Bandang alas-11:30 ng gabi nang salubungin ng sunud-sunod na putok ang dalawang pulis kasabay na niratrat din ang videoke bar na ikinasawi ng apat-katao.
Napag-alaman na inabandona ang van na sinakyan ng mga suspek na pinaniniwalaang nagpulasan sa ibat ibang direksiyon.
Kasalukuyan namang nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya para mabilis na madakip ang mga killer. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended