NPA ambush nahadlangan ng mga sundalo
September 13, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Nasilat ng tropa ng militar ang planong pananambang ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa bayan ng Mabini, Compostela Valley Province kamakalawa.
Ayon kay Army spokesman Lt. Col. Joselito Kakilala, naganap ang tangkang ambush bandang alas-8 ng umaga habang nagsasagawa ng security patrol ang mga tauhan ng Armys 60th Infantry Battalion at Tagbalaobao CAA patrol base sa bisinidad ng Purok 9, Sitio Nangka, Barangay Tagnanan sa nasabing bayan.
Nabatid na habang sinusuyod ng mga sundalo ang lugar ay bigla na lamang silang pinaputukan ng mga rebelde sa pangunguna ni Ka James ng District 1, Front Committee 2 ng Southern Mindanao Regional Committee.
Agad namang gumanti ng putok ang mga sundalo laban sa mga nanambang na mga rebelde. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 13 hours ago
By Cristina Timbang | 13 hours ago
By Tony Sandoval | 13 hours ago
Recommended