Dalagita na-rescue sa kidnappers
September 13, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Sa loob ng 30 minuto ay matagumpay na nailigtas ng mga operatiba ng pulisya ang isang 16-anyos na estudyanteng babae mula sa kamay ng kanyang mga abductors na nagresulta rin sa pagkakadakip sa tatlong kidnappers sa isinagawang operasyon sa Iligan City, Lanao del Sur, kamakalawa.
Kinilala ang nasagip na biktima na si Honey Villaflor, estudyante ng Iligan City National High School at residente ng Putok Sta. Lucia, Mahayahay ng nasabing lungsod.
Ang mga nasakoteng suspek ay nakilala namang sina Brando Sarip, 19; Casan Sarip, 23 at Nasroden Cader, 32.
Base sa report, dakong alas-2:30 ng hapon nang maganap ang pagdukot sa biktima sa bisinidad ng Wet Market, Poblacion ng lungsod ng Iligan.
Sapilitang kinaladkad ng mga suspek ang biktima pasakay sa kanilang sasakyan na mabilis na tumahak patungo sa hindi pa mabatid na destinasyon.
Agad namang nagsagawa ng search and rescue operations ang mga awtoridad bandang alas-3:30 ng hapon at nasagip ang biktima sa safehouse ng mga suspek sa Brgy. Sto. Rosario ng nasabing siyudad matapos na magsumbong sa himpilan ng pulisya ang tatlong kasamahan nito na inabandona ng mga kidnappers sa daan.
Hindi na nakapalag ang mga suspek matapos makorner ng mga awtoridad. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended