Pulis tinodas habang nakatayo

PALAUIG, Zambales – Isang pulis ang iniulat na nasawi makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ng mga di nakikilalang kalalakihan habang nakatayo ito sa tapat ng kanyang bahay sa Barangay West Poblacion, kamakalawa.

Ang nasawing pulis na si SPO2 Diosdado Tawatao, may-asawa at nakatalaga sa Pampanga Command at residente ng nasabing lugar.

Naganap ang insidente dakong alas-11:45 ng gabi habang ang biktima ay nakatayo sa tapat ng kanilang bahay nang biglang pagbabarilin ng mga di-kilalang kalalakihan. (Ulat ni Erickson Lovino)

Show comments