Chinese nat'l tiklo sa P1-M shabu
September 13, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Bumagsak sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Chinese national na hinihinalang miyembro ng isang big time drug syndicates matapos mahulihan ng 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1M sa isinagawang drug bust operations sa Camarines Sur kamakalawa.
Kinilala ni PDEA Executive Director General Anselmo Avenido Jr. ang nahuling suspek na si Tito Lim Tie alyas Manuel Cartoo, 36, binata at nanunuluyan sa Moriones, Zaragoza, Tondo, Manila.
Nabatid na si Tie, tubong Fokien, China ay sangkot sa talamak na pagtutulak ng illegal na droga sa nasabing lalawigan.
Si Tie ay nahulog sa operasyon ng mga awtoridad matapos ituro ng isang civilian asset.
Ayon kay Avenido, matapos na makumpirmang positibo ang kanilang natanggap na ulat ay agad silang nagsagawa ng surveillance operations na nagresulta sa pagkakadakip sa nasabing dayuhan.
Sinabi ni Avenido na nadakip si Tie ng mga tauhan ng PDEA Region V Director P/Sr. Supt. Darius Tuason sa Brgy. San Ramon, Lagonos, Camarines Sur kamakalawa.
Patuloy namang nagsasagawa ng follow-up operations upang matukoy kung sinu-sino pa ang kasabwat ng dayuhang suspek sa illegal drug operations.
Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Drugs Act of 2002 laban kay Tie.(Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended