Trader nikawan,dinedo
September 12, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Ninakawan at pinagbabaril pa hanggang sa mapatay ang isang 42-anyos na negosyante ng tatlong mandurugas makaraang pasukin ang bahay ng biktima sa Barangay Magugpo East, Tagum City, Davao del Norte kamakalawa.
Idineklarang patay sa Davao Regional Hospital ang biktimang si Leo Embuscado ng Purok Talisay, Zafra Compound ng nabanggit na barangay.
Naitala ng pulisya ang krimen bandang alas-3 ng madaling-araw matapos na lagariin ang grills sa likurang bahagi ng bahay ng pamilya Embuscado.
Nang makapasok sa bahay ang mga mandurugas ay agad na ginapos ang asawa ng biktima na si Anita at anak na si Lhian Jene, walong taong gulang.
Ayon pa sa ulat ng pulisya, matapos na malimas ang lahat ng mahahalagang gamit at pera ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktima saka nagsitakas sa hindi nabatid na direksyon. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am