^

Probinsiya

Mag-ama pinatay ng mandurugas

-
CAMP CRAME – Masaklap ang sinapit na kamatayan ng mag-ama makaraang bigtiin at gulpihin ng nag-iisang magnanakaw sa loob ng kanilang bahay sa Baggao, Cagayan, ayon sa ulat kahapon.

Halos lumuwa ang mga mata at dila ng mag-amang sina Joenardo Sotero Mallari at anak nitong si Mark Kevin Mallari na kapwa residente ng Barangay Palca, Tuao ng naturang lugar.

Agad namang dinakip ng pulisya ang suspek na si Andy Domingo Villamor, 18 ng Barangay Tallang matapos na kilalanin ng testigong kapitbahay ng mag-ama.

Sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, sa pagitan ng alas-10 hanggang alas-11 ng gabi nang pasukin ng suspek ang bahay ng mag-ama.

Unang binigti ng suspek ang batang si Kevin na nagising sa paghahalughog sa loob ng kanilang babay.

Matapos na patahimikin ang bata ay isinunod naman ang ama nito na inabutan ng suspek na nag-aayos ng paninda sa ibabang bahagi ng bahay.

Makaraang isagawa ang krimen ay agad na tumalilis palabas ng bahay ng pamilya Mallari pero lingid sa suspek ay namataan siya ng kapitbahay ng mag-ama kaya mabilis na nalambat ng pulisya. (Ulat ni Joy Cantos)

ANDY DOMINGO VILLAMOR

BAGGAO

BARANGAY PALCA

BARANGAY TALLANG

CAMP CRAME

JOENARDO SOTERO MALLARI

JOY CANTOS

KEVIN

MAKARAANG

MARK KEVIN MALLARI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with