3 holdaper timbog

CAMP AGUINALDO – Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang kilabot na holdaper makaraang mapadaan sa checkpoint na sakop ng Barangay Opong, Catubig, Northern Samar kamakalawa.

Nakapiit ngayon sa kampo ng Army’s 63rd Infantry Battalion ang mga suspek na sina Lito Tafalla ng Poblacion Las Navas, Catarman; Jose Infante ng Barangay Tinampo, Palapag at Richard Velez.

Nakumpiskahan ang mga suspek ng tatlong baril 10 uri ng patalim, hindi nabatid na gramo ng shabu, cell phone at drug paraphernalia. (Joy Cantos)

Show comments