3 Sayyaf nalambat
September 11, 2003 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY Tatlong miyembro ng grupong Abu Sayyaf na sangkot sa sunud-sunod na kidnaping kabilang na ang naganap na hostage sa Sipadan ang iniulat na nalambat ng tropa ng militar at pulisya sa magkahiwalay na operasyon sa Sulu at Tawi-Tawi, ayon sa ulat ng militar kahapon.
Dalawa sa mga suspek ay nakilalang si Abubasar Mohamad at Tamano Astig, alyas Manong, samantala, hindi ibinunyag ang pangalan ng isa habang isinasailalim sa tactical interrogation.
Ayon sa ulat, si Mohamad ay dinakip sa Barangay Samak, Talipao, samantala, ang isa pa ay nalambat sa Barangay Bongao, Tawi-Tawi. (Ulat ni Roel D. Pareño)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended