Obrero napatay sa rambol
September 9, 2003 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Isang obrero ang iniulat na nasawi, samantala, isa naman ang malubhang nasugatan makaraang magrambol ang dalawang grupo na lango sa alak sa Sitio Pulang Bato, Barangay Kinamaligan, Masbate City kamakalawa ng gabi.
Binawian ng buhay sa Masbate Provincial Hospital si Exequiel Espares, 22, samantala, sugatan naman sina Romeo Espares, 25, utol ni Exequiel; Carlos Evangelista, 28, at nagngangalang alyas Cano na kaaway ng mag-utol na Espares.
Ayon sa ulat ng pulisya, naitala ang rambol bandang alas-11:30 ng gabi matapos na magsalubong ang magkapatid na Espares at grupo ni Evangelista na pawang lango sa alak. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended