^

Probinsiya

Munisipyo sinalakay, sinunog ng NPA rebs

-
CAMP AGUINALDO – Sinalakay ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang munisipyo ng bayan ng Esperanza bago pinasabog na lumikha ng malaking sunog sa panibagong insidente nang paghahasik ng terorismo sa lalawigan ng Masbate kamakalawa.

Batay sa ulat na nakalap kahapon sa tanggapan ni Army Chief Lt. Gen. Gregorio Camiling Jr., dakong alas-7:45 ng umaga nang lusubin ng mga rebelde ang himpilan ng pulisya ng Esperanza, Masbate.

Agad pinalibutan ng mga rebelde ang nasabing munisipyo kung saan ay gumamit ang mga ito ng mga pampasabog sa isinagawa nilang panununog.

Niyanig ng sunud-sunod na pagsabog ang nasabing munisipyo hanggang sa lumikha ito ng apoy at kumalat sa katabing mga tanggapan.

Ayon pa sa ulat, aabot sa P1 milyong ari-arian ang napinsala matapos na kumalat ang apoy na tumupok sa tanggapan ng Department of Interior and Local Government (DILG), Municipal Agrarian Office, Social Welfare Development, Municipal Disaster Council, Accounting Office, Comelec at istasyon ng pulisya sa nasabing bayan.

Wala namang nagawa ang mga nagbabantay na pulis dahil higit na nakararami ang grupo ng mga umatakeng rebelde.

Tumagal lamang ng ilang minuto ang paghahasik ng karahasan ng mga rebelde bago tumakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Naglunsad na ng hot pursuit operations ang mga elemento ng Army’s 901st Infantry Brigade at mga tauhan ng pulisya laban sa grupo ng mga rebelde na responsable sa insidente. -(Ulat nina Joy Cantos at Ed Casulla)

ACCOUNTING OFFICE

ARMY CHIEF LT

ED CASULLA

ESPERANZA

GREGORIO CAMILING JR.

INFANTRY BRIGADE

JOY CANTOS

MASBATE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with