2 paslit ginawang sex slave

CAVITE - Dalawang menor-de-edad na babae ang iniulat na ginawang sex slave ng kanilang amain sa Barangay Sapa, Naic, Cavite.

Ang mga biktimang may edad na 12 at 16-anyos ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng kanilang inang si Lucila. Limang buwang buntis ang isa sa mga biktima, ayon sa pulisya.

Naghihimas naman ng rehas na bakal ang suspek na si Marcos Rita, alyas Macoy, 37, tubong Caramoan, Camarines Norte.

Napag-alaman sa pagsisiyasat ni PO2 Marcelo Bersamina, nagsimulang gawan ng maitim na balak ang mga biktima noong Hulyo, 2001 sa loob ng kanilang bahay kapag wala ang ina. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments