Sinabi ni P/Senior Superintendent Peraco Macacua, city police director na wala pang solidong ebidensiya para matukoy ang mga responsable sa pagpapasabog ng nasabing gusali.
"Ang pambobomba ay posibleng kagagawan ng mga taong mula sa ibat ibang opisina ng lokal na pamahalaan ng Central Mindanao dahil sa reklamong may kaugnayan sa pagkaantala para maipalabas ang kanilang sahod o kayay inutang na halaga," dagdag pa ni Macacua.
Ayon naman kay Bai Mamole Pangandaman, regional manager ng GSIS na ang ginagamit nilang mga computer para sa proseso ng pautang ay nasira dahil sa tinamaan ng kidlat ang outdoor on-line transmission.
Nauna nang binatikos ang GSIS matapos na magsimulang magpalabas ng post dated checks para sa mga miyembro.
"Magpapatuloy ang serbisyo ng GSIS kahit na may natatanggap na banta mula sa mga hindi kilalang suspek", ani pa ni Pangandaman. (Ulat ni John Unson)