^

Probinsiya

GSIS office binomba

-
COTABATO CITY – Pinaniniwalaang pagkaantala sa pagpapalabas ng milyong pautang at pasahod sa mga miyembro kaya pinasabog ng mga hindi kilalang lalaki ang regional office ng Government Service Insurance System (GSIS) noong Martes ng gabi.

Sinabi ni P/Senior Superintendent Peraco Macacua, city police director na wala pang solidong ebidensiya para matukoy ang mga responsable sa pagpapasabog ng nasabing gusali.

"Ang pambobomba ay posibleng kagagawan ng mga taong mula sa iba’t ibang opisina ng lokal na pamahalaan ng Central Mindanao dahil sa reklamong may kaugnayan sa pagkaantala para maipalabas ang kanilang sahod o kaya’y inutang na halaga," dagdag pa ni Macacua.

Ayon naman kay Bai Mamole Pangandaman, regional manager ng GSIS na ang ginagamit nilang mga computer para sa proseso ng pautang ay nasira dahil sa tinamaan ng kidlat ang outdoor on-line transmission.

Nauna nang binatikos ang GSIS matapos na magsimulang magpalabas ng post dated checks para sa mga miyembro.

"Magpapatuloy ang serbisyo ng GSIS kahit na may natatanggap na banta mula sa mga hindi kilalang suspek", ani pa ni Pangandaman. (Ulat ni John Unson)

AYON

BAI MAMOLE PANGANDAMAN

CENTRAL MINDANAO

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

JOHN UNSON

MACACUA

MAGPAPATULOY

NAUNA

SENIOR SUPERINTENDENT PERACO MACACUA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with