Binawian ng buhay habang ginagamot sa San Jose City General Hospital ang biktimang si Sheena Ann Silpao matapos na tumama ang ulo nito sa matigas na bagay.
Agad namang sumuko ang suspek na si Christopher Barientos, ka-live in partner ni Anna Villa Silpao, ina ng bata.
Napag-alaman sa imbestigasyon ni SPO4 Annabella Remulla na pansamantalang iniwan ng ina ang biktima sa suspek dahil sa mamimili sa palengke bandang alas-7 ng umaga.
Ayon sa ilang kapitbahay ay namataan nila ang suspek na karga-karga ang bata habang umiiyak.
Dahil sa walang tigil na pag-iyak ng bata ay tatlong ulit na binatukan ng suspek hanggang sa tumama ang ulo ng biktima sa matigas na bagay.
Duguang bumulagta ang bata kaya napilitang isugod ng suspek sa nasabing ospital pero habang nilalapatan ng lunas ay binawian ng buhay.
Sinabi naman ng suspek na aksidente ang pangyayari at wala siyang balak patayin ang biktima pero sasampahan pa rin ng kaukulang kaso ng pulisya.
Kinumpirma naman ng pulisya na hindi naman lango sa alak o anumang bawal na droga ang suspek nang isagawa ang pangyayari. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)Nene binatukan ng amain, naumpog patay NUEVA ECIJA Isang taong gulang na batang babae ang iniulat na nasawi makaraang batukan ng tatlong ulit ng kanyang amain sa Barangay Malasin, San Jose City, Nueva Ecija kamakalawa ng umaga, ayon sa ulat ng pulisya.
Binawian ng buhay habang ginagamot sa San Jose City General Hospital ang biktimang si Sheena Ann Silpao matapos na tumama ang ulo nito sa matigas na bagay.
Agad namang sumuko ang suspek na si Christopher Barientos, ka-live in partner ni Anna Villa Silpao, ina ng bata.
Napag-alaman sa imbestigasyon ni SPO4 Annabella Remulla na pansamantalang iniwan ng ina ang biktima sa suspek dahil sa mamimili sa palengke bandang alas-7 ng umaga.
Ayon sa ilang kapitbahay ay namataan nila ang suspek na karga-karga ang bata habang umiiyak.
Dahil sa walang tigil na pag-iyak ng bata ay tatlong ulit na binatukan ng suspek hanggang sa tumama ang ulo ng biktima sa matigas na bagay.
Duguang bumulagta ang bata kaya napilitang isugod ng suspek sa nasabing ospital pero habang nilalapatan ng lunas ay binawian ng buhay.
Sinabi naman ng suspek na aksidente ang pangyayari at wala siyang balak patayin ang biktima pero sasampahan pa rin ng kaukulang kaso ng pulisya.
Kinumpirma naman ng pulisya na hindi naman lango sa alak o anumang bawal na droga ang suspek nang isagawa ang pangyayari. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)