Hindi naman agad nabatid ang dahilan kung bakit kahapon lang ipinalabas ng pulisya ang ulat sa pagkakapatay kay Rico Ramirez, reporter ng DXSF radio station.
Ayon kay P/Chief Supt. Alberto Olario, blangko pa rin ang pulisya sa pagpaslang kay Ramirez na pinaniniwalaang may kaugnayan sa kanyang trabaho ang pangyayari.
Napag-alaman sa ulat, si Ramirez ay ikaapat na reporter na ang napapatay simula noong Enero 2003.