Ika-3 most wanted timbog

NUEVA ECIJA – Bumagsak sa mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang ika-3 most wanted na pinaniniwalaang may 19 na kaso sa iba’t ibang korte makaraang salakayin ang pinagkukutaan nito sa Barangay Ma. Theresa Subdivision sa Cabanatuan City noong Biyernes, Agosto 29, 2003.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Angelina Torres, 50, alyas Lina ng Block 4 Lot 4 Cecilia, Phase 1 ng lungsod na ito.

Inaresto si Torres sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Thomas Talavera ng Regional Trial Court Branch 20. (Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments