^

Probinsiya

P20-M ari-arian sinunog ng NPA

-
CAMP AGUINALDO – Sinalakay ng mga New People’s Army (NPA) ang isang contruction company kung saan sinunog ang may P20 milyon sa panibagong paghahasik ng terorismo sa New Bataan, Compostela Valley kahapon ng umaga.

Ayon kay AFP Public Information Officer Lt. Col. Daniel Lucero, bandang alas-12:30 ng umaga nang lusubin ng aabot sa 100 rebelde ang loob ng Sebastian Construction Corporation na matatagpuan sa pagitan ng Barangay Bantacan at San Roque sa nasabing bayan.

Tinutukan ng baril ng mga rebelde ang nagbabantay na security guard at agad tinungo sa mga construction equipments sa kabila ng pakiusap ng mga empleyado dito.

Binuhusan ng gasolina ang palibot ng mga heavy equipment at saka tuluyang sinilaban.

Kabilang sa mga nasunog na kagamitan ay ang tractor, payloader at bulldozer na tinatayang aabot sa P20 milyon.

May teorya ang pulisya na tumatanggi ang may-ari na magbigay ng revolutionary tax. (Ulat ni Joy Cantos)

AYON

BARANGAY BANTACAN

COMPOSTELA VALLEY

DANIEL LUCERO

JOY CANTOS

NEW BATAAN

NEW PEOPLE

PUBLIC INFORMATION OFFICER LT

SAN ROQUE

SEBASTIAN CONSTRUCTION CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with