Kabilang sa napatay ay sina PO3 Hadji Asis Bansil, PO3 Percy Antonino, police escort; Joseph Pajarillo, security guard; Dominador Lumagda, driver; at Pepito Baybon.
Nakilala naman ang mga grabeng nasugatan na sina An Suan Go, Alex Sua, Nerissa Tacada, Peter Hong, PO2 Aldrin Gonzales, SPO4 Cesar Nanac, PO1 Angelito Bumbong at ang may-ari ng Ang Rice Mill na si Robert Ang Tok.
Si Tok ay agad na naisakay sa naghihintay na pribadong helicopter ng kanyang mga kaanak patungong Maynila upang mailigtas sa mga kidnaper.
Ayon sa ulat na nakarating kay P/Chief Supt. Manuel Raval, Central Mindanao police director, lulan ng kulay pulang dyip ang mga armadong kalalakihan nang biglang pumasok sa rice mill ni Tok.
Agad na pinasabog ng mga suspek ang looban ng compound na nasa kahabaan ng Tacurong National Highway bago ito pinasok bandang alas-11:00 ng umaga kahapon.
Apat akaagad ang nasawi sa unang pagsabog kabilang na ang police-escort ni Ang Tok na si P03 Percy Antonino, nakadestino sa 1107th Provincial Mobile Group, samantalang malubhang tinamaan naman ang negosyante.
Pinaputukan ng mga suspek ang police detachment na nakaharang sa kanilang pagtakas na ikinasawi ni PO3 Hadji Asis Bansil.
Sugatan naman ang mga kasamahan ni Bansil na sina PO2 Aldrin Gonzales, SPO4 Cesar Nanac at PO1 Angelito Bumbog matapos na makipagpalitan ng putok sa mga kidnaper.
Nabatid na matapos na mabigong madala ng mga suspek ang Tsinoy trader ay mabilis na tumakas patungong hilagang bahagi ng lungsod na kalapit bayan ng Lambayong.
May teorya ang mga awtoridad na pawang mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang sumalakay sa compound ni Ang Tok.(Ulat ni Boyet Jubelag)