Sulyap Balita
September 1, 2003 | 12:00am
Nagkagutay-gutay ang katawan ni Cesar Simeon matapos na sumabog ang hawak na granada dakong alas-2:05 ng hapon sa loob mismo ng nasabing opisina.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Aviation Security Group (ASG) 7 na walang naganap na foul play sa pagsabog dahil nag-iisa lamang ang biktima nang dumating ang nagrespondeng mga tauhan ng Mactan Fire and Rescue Unit.
May teorya ang mga imbestigador na nabitiwan ng biktima ang granada sabay na natanggal ang safety pin kaya sumambulat. (Ulat ni Joy Cantos)
Agad namang ipinagbigay-alam sa himpilan ng pulisya ni Niño Blanco ang kanyang nalambat na bomba habang nangingisda sa nasabing karagatan.
Napag-alaman kay PO1 Richard Gutierrez na si Blanco ay nangingisda sa naturang karagatan nang bumigat ang inilatag na lambat at sa pag-aakalang may mga isdang nahuli ay agad nitong iniangat hanggang sa lumantad ang siyam na bomba. (Ulat ni Cristina G. Timbang)
Pinagbawalan na rin ang pagdadala ng anumang sigarilyo ng mga bibisita sa kanilang kamag-anakang preso sa lahat ng bilangguan sa Rizal.
Tinutulan naman ng nakararaming preso ang pagbabawal sa paninigarilyo sa kanilang selda pero natuwa naman ang iba dahil walang malalanghap na usok na nagiging sanhi ng pagsisikip ng kanilang paghinga bukod pa sa sobrang siksikan sa loob ng kulungan. (Ulat ni Edwin Balasa)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended