Waitress todas sa shotgun

QUEZON – Sabog ang dibdib at namatay noon din ang isang 21-anyos na waitress makaraang paglaruan ang nakuhang shotgun sa pinapasukang restaurant sa Barangay Silangang Malicboy, Pagbilao, Quezon kamakalawa ng madaling-araw.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Doña Marta Hospital si Myla Cabilo matapos na aksidenteng makalabit ang gatilyo ng shotgun at pumutok dakong alas-2 ng madaling-araw.

Lumalabas sa inisyal na pagsusuri ni PO3 Allan Palquesa, nakuha ng biktima ang baril sa kaha ng pera at pinaiikot sa harapan ni Lorilie Pavilonia.

Pinigilan na ng ilang kasamahan sa trabaho ang biktima na itigil ang paglalaro ng shotgun pero binalewala nito hanggang sa pumutok at tamaan siya sa dibdib. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments