Mag-inang "mangkukulam" kinatay
August 30, 2003 | 12:00am
BACOLOD CITY Isang matandang babae at anak nitong 40 anyos na babae na umanoy nagsasagawa ng pangkukulam ang walang awang pinagtataga hanggang sa mapatay ng isang magsasaka kamakalawa sa Brgy. Bulwangan, San Carlos City, Negros Occidental.
Kinilala ni deputy chief of police, Sr./Inspector Victorino Romanillos ng San Carlos City PNP ang suspek na si Antonio Rebalde,30.
Samantala, ang mag-inang nasawi ay nakilalang sina Amparo Nerha, 60 anyos at Angelina, na nagtamo ng maraming taga sa ibat ibang parte ng katawan.
Ayon sa pulisya, si Angelina ay nagtamo ng 11 taga at saksak habang anim naman sa ina nito na naging dahilan ng kanilang agarang kamatayan.
Ipinagtapat ng suspek na kaya niya pinatay ang mag-ina dahil sa ito umano ang may kagagawan nang pagkamatay ng kanyang buntis na asawa dahil sa ginawang "pagbarang" ng mag-ina.
Sinabi ng pulisya na wala sa tamang pag-iisip ang suspek habang kanyang isinasalaysay ang ginawang krimen sa mag-ina.
Dinagdag pa ng suspek na bago niya pagtatagain at saksakin ang mag-ina, ito muna ay kanyang binaril.Subalit walang makita ang pulisya na tama ng bala sa katawan ang mag-ina.
Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong at nahaharap sa kasong double murder. (Ulat ni Antonieta B. Lopez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended