Sa 15-pahinang desisyon ni QCRTC Judge Jose Panea, pinatawan ng 6 hanggang 14 na taon si Santiago City, Isabela Mayor Jose Miranda at mga tauhang sina Manny Serenio, Dante Balos at Jojo Casabar.
Bukod sa hatol na pagkabilanggo ay pinagbabayad din ang mga akusado ng P.3 milyon sa biktimang si Roward Alvarez na naging kalaban sa politika ng alkalde.
Base sa record ng korte, naganap ang krimen sa Jardin Restaurant sa Santiago City, Isabel makaraang magtungo ang biktima para makinig ng kantahan.
Nagtungo rin ang mga akusado hanggang sa maganap ang pangyayari. (Ulat ni Angie dela Cruz)