^

Probinsiya

Mayor ng Santiago City kulong ng 14 taon

-
Hinatulan ng Quezon City Regional Trial Court ng parusang anim hanggang labing-apat na taong pagkabilanggo ang alkalde ng Santiago Ctiy, Isabela kasama ang tatlo nitong alalay matapos na mapatunayang nagkasala sa kasong frustrated murder noong Hulyo 8, 1991.

Sa 15-pahinang desisyon ni QCRTC Judge Jose Panea, pinatawan ng 6 hanggang 14 na taon si Santiago City, Isabela Mayor Jose Miranda at mga tauhang sina Manny Serenio, Dante Balos at Jojo Casabar.

Bukod sa hatol na pagkabilanggo ay pinagbabayad din ang mga akusado ng P.3 milyon sa biktimang si Roward Alvarez na naging kalaban sa politika ng alkalde.

Base sa record ng korte, naganap ang krimen sa Jardin Restaurant sa Santiago City, Isabel makaraang magtungo ang biktima para makinig ng kantahan.

Nagtungo rin ang mga akusado hanggang sa maganap ang pangyayari. (Ulat ni Angie dela Cruz)

DANTE BALOS

ISABELA MAYOR JOSE MIRANDA

JARDIN RESTAURANT

JOJO CASABAR

JUDGE JOSE PANEA

MANNY SERENIO

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

ROWARD ALVAREZ

SANTIAGO CITY

SANTIAGO CTIY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with