Sinabi ni Jorge Madlos, tagapagsalita ng communist National Democratic Front (NDF) na sina Corporal Edward Querante at PFC Boboy Abuhasad ay nakipag-ugnayan at umanib na sa makakaliwang kilusan.
Idinagdag pa ni Madlos na aabot naman sa 60 pro-government militiamen o ang tinatawag na Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang sumapi na rin sa grupo ng rebelde simula pa noong unang linggo ng kasalukuyang buwan.
"Dahil sa reklamo ng mga sundalo at CAFGU tungkol sa pagmamalupit ng kanilang opisyal, corruption at pagkaantala ng allowances at supplies ang nagtulak para umanib sa NPA," dagdag pa ni Madlos.
"Kaya naman nakipagnegosasyon ang ilang sibilyang sumusuporta sa makakaliwang kilusan para makapasok ang mga kawal at CAFGU sa teritoryo ng mga rebelde," ani pa ni Madlos.
Pinabulaanan naman ng tagapagsalita ng Phil. Army ang sinabi ni Madlos at nangatwirang lahat ng sundalo at CAFGU na nakakalat sa katimugang bahagi ng bansa ay pawang naka-intact.
Gayunman, sinabi ni Armys 4th Infantry Division chief Major General Cristolito Balaoing na ang dalawang nabanggit na sundalo ay umalis ng kampo at nagtungo sa teritoryo ng kalaban para magbenta ng mga armas pero walang iniulat na umanib ang mga CAFGU sa NPA.