^

Probinsiya

2 kawal, 60 CAFGU umanib sa NPA

-
CAGAYAN DE ORO – Dalawang kawal ng Philippine Army at 60 miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang iniulat na umanib sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na nakabase sa katimugang bahagi ng bansa.

Sinabi ni Jorge Madlos, tagapagsalita ng communist National Democratic Front (NDF) na sina Corporal Edward Querante at PFC Boboy Abuhasad ay nakipag-ugnayan at umanib na sa makakaliwang kilusan.

Idinagdag pa ni Madlos na aabot naman sa 60 pro-government militiamen o ang tinatawag na Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang sumapi na rin sa grupo ng rebelde simula pa noong unang linggo ng kasalukuyang buwan.

"Dahil sa reklamo ng mga sundalo at CAFGU tungkol sa pagmamalupit ng kanilang opisyal, corruption at pagkaantala ng allowances at supplies ang nagtulak para umanib sa NPA," dagdag pa ni Madlos.

"Kaya naman nakipagnegosasyon ang ilang sibilyang sumusuporta sa makakaliwang kilusan para makapasok ang mga kawal at CAFGU sa teritoryo ng mga rebelde," ani pa ni Madlos.

Pinabulaanan naman ng tagapagsalita ng Phil. Army ang sinabi ni Madlos at nangatwirang lahat ng sundalo at CAFGU na nakakalat sa katimugang bahagi ng bansa ay pawang naka-intact.

Gayunman, sinabi ni Army’s 4th Infantry Division chief Major General Cristolito Balaoing na ang dalawang nabanggit na sundalo ay umalis ng kampo at nagtungo sa teritoryo ng kalaban para magbenta ng mga armas pero walang iniulat na umanib ang mga CAFGU sa NPA.

vuukle comment

BOBOY ABUHASAD

CIVILIAN ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

CORPORAL EDWARD QUERANTE

INFANTRY DIVISION

JORGE MADLOS

MADLOS

MAJOR GENERAL CRISTOLITO BALAOING

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT

NEW PEOPLE

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with