Mister dinedo dahil sa selos

CAMP GEN. PANTALEON GARCIA, Cavite –Matinding pagseselos ang naging ugat kaya pinagpapalo ng martilyo hanggang sa mapatay ang isang 46-anyos na mister ng kaibigan nito sa Barangay Molino 6, Bacoor, Cavite kahapon ng madaling-araw.

Basag ang bungo ng biktimang si Alexander Encarnacion ng Block 9 Lot 1 Phase 1 Soldier Hills 4, samantala, ang suspek na naghihimas ng rehas na bakal ay nakilalang si Leonilo Magdirila, 36 ng Block 12 Lot 9 Phase 1 Soldier Hills 4 ng bayang ito.

Batay sa imbestigasyon ni PO1 Ernesto Caparas Jr, bago pa naganap ang krimen ay kinompronta ng suspek ang biktima tungkol sa kumalat na balitang may relasyon ito sa kanyang misis.

Mariing itinanggi naman ng biktima ang akusasyon ng suspek hanggang sa maganap ang pamamaslang sa loob ng bahay ng suspek. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments