Samurai vs baril: 2 patay
August 26, 2003 | 12:00am
CALABANGA, Camarines Sur Dalawang mister na pinaniniwalaang may matinding galit sa isat isa ang iniulat na nasawi makaraang magsagupa sa kahabaan ng kalsada na sakop ng Zone 4, Barangay Sabang sa bayang ito kahapon ng umaga.
Kapwa hindi na umabot pa ng buhay sa Bicol Medical Center sina Rufino San Juan, 28 at Dominador Aguilar, 57, kapwa may asawa at magkapitbahay sa nabanggit na barangay.
Naitala ng pulisya ang pangyayari bandang alas-11:20 ng umaga matapos na mag-krus ang landas ng dalawa.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na armado ng baril si Aguilar habang samurai naman ang hawak ni San Juan.
Bago pa maganap ang pangyayari ay naareglo ng mga opisyal ng barangay ang alitan ng dalawa pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay muling sumiklab ang away na naging sanhi para gumana ang kalawit ni kamatayan. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended