200 tulak sumuko
August 25, 2003 | 12:00am
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Aabot sa 200 tulak ng bawal na droga mula sa 13 barangay sa Dasmariñas, Cavite ang iniulat na sumuko sa pulisya makaraang ilunsad ang programa ng lokal na pamahalaan laban sa droga.
Nangako naman ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan at kapulisan na tutulungan nila ang mga nagsisukong tulak at drug users na maipasok sa rehabilitation center para manumbalik ang kanilang normal na pamumuhay.
Umaasa rin ang kapulisan na may susunod pang ibang tulak ng bawal na droga na samantalahin ang inilunsad na programa ng lokal na pamahalaan ng Dasmariñas. (Ulat ni Cristina G. Timbang)
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Pinaniniwalaang onsehan sa bawal na droga kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 44-anyos na mister sa Barangay Sampaloc 4, Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Glen Cilloco, samantala, ang hindi nakilalang killer ay agad na tumakas matapos na isagawa ang krimen bandang alas-9 ng gabi.
May teorya ang pulisya na onsehan sa bawal na droga ang naging ugat ng pamamaslang dahil sa kilalang drug pusher ang biktima sa kanilang barangay. (Ulat ni Cristina G. Timbang)
RODRIGUEZ, Rizal May posibilidad na karibal sa negosyo ang pumatay sa isang 40-anyos na trader habang ang biktima ay naglilinis ng sariling motorsiklo sa Barangay Burgos sa bayang ito kahapon ng umaga.
Hindi na umabot pa ng buhay sa Amang Rodriguez Medical Center si Bienvenido Flores dahil sa tatlong tama ng bala ng baril sa katawan.
Base sa ulat ng pulisya, naitala ang krimen bandang alas-9:45 ng umaga matapos na ratratin ng dalawang hindi kilalang lalaking nakamotorsiklo ang biktima habang naglilinis ng motorsiklo. (Ulat ni Edwin Balasa)
CABANATUAN CITY, Nueva Ecija Isang 17-anyos na babae ang tatlong ulit na hinalay ng barangay kagawad matapos na painumin ng pampatulog sa Barangay Kapitan Pepe Subdivision sa lungsod na ito kamakalawa.
Ang biktimang dumulog sa himpilan ng pulisya ay itinago sa pangalang Criselda ng Barangay San Josef Norte, samantalang ang suspek na si Dante Pangilinan ay kasalukuyang tinutugis ng pulisya para panagutin sa kasong rape.
Ayon sa ulat ng pulisya, unang naisagawa ang maitim na balak ng suspek laban sa biktima noong Mayo 24, 2003, nasundan noong Hunyo 3 at ang ikatlo ay noong Hulyo 16, 2003. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)
Nangako naman ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan at kapulisan na tutulungan nila ang mga nagsisukong tulak at drug users na maipasok sa rehabilitation center para manumbalik ang kanilang normal na pamumuhay.
Umaasa rin ang kapulisan na may susunod pang ibang tulak ng bawal na droga na samantalahin ang inilunsad na programa ng lokal na pamahalaan ng Dasmariñas. (Ulat ni Cristina G. Timbang)
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Glen Cilloco, samantala, ang hindi nakilalang killer ay agad na tumakas matapos na isagawa ang krimen bandang alas-9 ng gabi.
May teorya ang pulisya na onsehan sa bawal na droga ang naging ugat ng pamamaslang dahil sa kilalang drug pusher ang biktima sa kanilang barangay. (Ulat ni Cristina G. Timbang)
Hindi na umabot pa ng buhay sa Amang Rodriguez Medical Center si Bienvenido Flores dahil sa tatlong tama ng bala ng baril sa katawan.
Base sa ulat ng pulisya, naitala ang krimen bandang alas-9:45 ng umaga matapos na ratratin ng dalawang hindi kilalang lalaking nakamotorsiklo ang biktima habang naglilinis ng motorsiklo. (Ulat ni Edwin Balasa)
Ang biktimang dumulog sa himpilan ng pulisya ay itinago sa pangalang Criselda ng Barangay San Josef Norte, samantalang ang suspek na si Dante Pangilinan ay kasalukuyang tinutugis ng pulisya para panagutin sa kasong rape.
Ayon sa ulat ng pulisya, unang naisagawa ang maitim na balak ng suspek laban sa biktima noong Mayo 24, 2003, nasundan noong Hunyo 3 at ang ikatlo ay noong Hulyo 16, 2003. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended