^

Probinsiya

2 negosyanteng Hapones hinoldap sa Cavite

-
CAMP CRAME – Dalawang negosyanteng Hapones ang hinoldap ng isang di pa nakilalang armadong lalaki na pinaniniwalaang miyembro ng notoryus na robbery/holdup gang habang ang mga biktima ay naglalaro ng golf sa Orchard Golf Course sa Dasmariñas, Cavite, kamakalawa.

Kinilala ang dalawang biktima na sina Toyoshi Yagi at Mr. Takashi Oishi, pawang mayayamang negosyante na pansamantalang nanunuluyan sa #5 C Serenade St., Sta. Cecilia Village, Las Piñas City.

Base sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-2 ng hapon habang ang dalawang biktima ay masayang naglalaro ng golf sa Hole #14 ng Palmer Course nang bigla na lamang lapitan at tutukan ng baril ng suspek.

Puwersahang nakuha kay Yagi ang P5,000 habang ang wallet ni Oishi ay naglalaman ng P11,000.

Tinangka pa umanong holdapin ng suspek ang iba pang manlalaro subalit nagsisigaw na ang mga ito upang humingi ng tulong. Ang suspek ay nasa pagitan umano ng 18 hanggang 20 taong gulang at may payat na pangangatawan.

Wala umanong nagawa ang mga caddie sa nasabing golf course sa matinding takot sa mahabang baril na ginamit ng suspek sa panghoholdap kung saan ay nagmamadali ito sa pagtakas.

Ayon sa teorya ng mga awtoridad, posible umanong may kasamahan pa ang suspek sa nasabing golf course na nagsilbing lookout habang isinasagawa ang krimen.

Samantala, nagtataka naman ang ilang manlalaro sa Cavite Orchard Golf Course kung bakit hindi man lamang naharang ng mga guwardiya ang suspek na parang walang anumang lumabas sa gate.

Naghihinala naman ang iba pang golfer na posibleng may kasabwat na mga empleyado ang suspek na siyang nagturo sa mga posibleng biktimahin. (Ulat ni Joy Cantos)

C SERENADE ST.

CAVITE ORCHARD GOLF COURSE

CECILIA VILLAGE

JOY CANTOS

LAS PI

MR. TAKASHI OISHI

ORCHARD GOLF COURSE

PALMER COURSE

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with