Eskuwelahan tinupok ng apoy
August 25, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Tinatayang aabot sa milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang sumabog ang nilulutong floorwax sa loob ng eskuwelahan na ikinasugat ng isang mag-aaral sa Isabela City kamakalawa.
Base sa ulat na ipinarating kahapon sa Camp Crame, tinupok ng apoy ang malaking bahagi ng Claret College na kinabibilangan ng computer room, school library, administration building at school directors office.
Nagtamo naman ng 1st degree burn ang estudyanteng si Reynaldo Paratus na ngayon ay ginagamot sa Infante Hospital.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya na nagluluto ng floorwax si Paratus sa laboratoryo ng nasabing eskuwelahan nang sumabog ang tangke ng LPG hanggang sa kumalat ang apoy sa kalapit kuwarto.
Tumagal ng isang oras ang sunog dahil na rin sa mabilis na responde ng pamatay-sunog mula sa Isabela City.
Wala namang iniulat na nasawi o malubhang nasugatan maliban kay Paratus. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am