Bitay sa rapist na ama

Kinatigan ng Supreme Court ang parusang kamatayan na inihatol ng mababang korte sa isang ama na napatunayang humalay sa sariling anak na babae noong Abril 8, 2000 sa San Carlos, Pangasinan.

Unang pinatawan ng hatol na bitay ng San Carlos Regional Trial Court ang akusadong si Juan Rosario matapos na gahasain nito ang kanyang anak sa sariling bahay sa Rosario, Lucban ng nasabing lalawigan.

Sa 17-pahinang desisyon ng Korte Suprema, sinang-ayunan nito ang bitay dahil sa malakas ang isinumiteng ebidensiya laban sa akusado.

Hindi binigyan ng timbang ng korte ang alibi ng akusado dahil sa resultang isinumite ng mga sumuri sa biktima na lumalabas na hinalay nga ang dalagita simula pa noong 13-anyos.

Bukod sa hatol na bitay ay pinagbabayad pa ng Korte Suprema ang akusado ng P75,000 bilang danyos perwisyo. (Ulat ni Grace dela Cruz)

Show comments