Parak tepok sa sariling baril
August 23, 2003 | 12:00am
Camp Crame Isang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang kagawad ng Philippine National Police (PNP) matapos aksidenteng pumutok habang nililinis nito ang kanyang baril sa Calinog, Iloilo ayon sa ulat ng pulisya kahapon.
Ang nasawi ay nakilalang si SPO1 Benny Baril, miyembro ng Lambunao Municipal Police Station at residente ng Delgado St., Calinog ng nabanggit na lalawigan na namatay noon din dahil sa tama ng bala ng kanyang 12 gauge homemade shotgun.
Ayon sa imbestigasyon, dakong alas-3 ng hapon ay kasalukuyang nililinis ng biktima ang nasabing armas nang aksidente nitong makalabit ang gatilyo na di umano napansin na may natitira pang isang bala.
Narekober sa lugar ng insidente ang mga baril ng biktima na nililinis din nito at agad na pinawi ng PNP Crime Laboratory Office Region 6 ang anggulong foul play matapos lumitaw sa pagsusuri na positibo sa gunpowder nitrate ng 12 gauge shotgun ang nasawi. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended