3 NPA todas sa engkuwentro

LIBON, Albay – Tatlong miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang nasawi matapos makasagupa ng mga ito ang militar sa isang liblib na lugar ng Sitio Divisorio, Brgy. Along-Ong ng nasabing bayan kahapon ng tanghali.

Sa inisyal na ulat ng pamunuan ng 22nd Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army, dakong alas-12 ng tanghali habang sila ay nagroronda sa nasabing lugar ay nasalubong nila ang humigit kumulang na 20 NPA.

Agad na nagpalitan ng putok ang magkabilang panig na tumagal ng halos ilang minuto hanggang sa umatras ang mga NPA nang makita na tatlo sa kanilang kasamahan ay nasawi. Narekober sa sagupaan ang tatlong M-16, isang M-14 at isang Garrand na pag-aari ng tatlong nasawing NPA. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments