Batay sa ulat, ganap na alas-11 ng umaga nang salakayin ng pinagsanib na elemento ng 7th Regional Criminal Investigation Detection Unit (RCIDU), 7 Mobile Regional Group (MRG) at Centennial Force Foundation Inc., (CFFI) volunteers ang isang malawak na plantasyon ng marijuana sa Sitio Butong, Brgy. Basiao ng lalawigang ito.
Bago ang operasyon ay nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa taniman ng marijuana na minamantine ng dalawang barangay kagawad na sina Santiago Agravante at Besing Purgatorio.
Nabatid na umaabot sa mahigit 2,000 puno ng marijuan maliban pa sa bultu-bultong mga binhi ng naturang bawal na puno.
Dinala sa himpilan ng RCIDU Region 7 ang mga nakumpiskang marijuana habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa dalawang opisyal ng barangay. (Ulat ni Joy Cantos)