P 4.5M Marijuana nasamsam
August 23, 2003 | 12:00am
Camp Crame Umaabot sa P4.5M halaga ng marijuana ang nasamsam ng mga operatiba ng pulisya sa isinagawang marijuana eradication sa isang liblib na lugar sa Badian, Cebu kamakalawa.
Batay sa ulat, ganap na alas-11 ng umaga nang salakayin ng pinagsanib na elemento ng 7th Regional Criminal Investigation Detection Unit (RCIDU), 7 Mobile Regional Group (MRG) at Centennial Force Foundation Inc., (CFFI) volunteers ang isang malawak na plantasyon ng marijuana sa Sitio Butong, Brgy. Basiao ng lalawigang ito.
Bago ang operasyon ay nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa taniman ng marijuana na minamantine ng dalawang barangay kagawad na sina Santiago Agravante at Besing Purgatorio.
Nabatid na umaabot sa mahigit 2,000 puno ng marijuan maliban pa sa bultu-bultong mga binhi ng naturang bawal na puno.
Dinala sa himpilan ng RCIDU Region 7 ang mga nakumpiskang marijuana habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa dalawang opisyal ng barangay. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended