Magnanakaw binitay ng NPA

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Dahil sa pagiging notoryus na magnanakaw ng kalabaw ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 55-anyos na lalaki ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) makaraang maaktuhang naninikwat ng hayop sa Barangay Malibas, Palanas, Masbate kahapon ng umaga.

Ang biktimang nilagyan ng karatula sa katawan ay nakilalang si Diosdado Rondina, biyudo at residente ng Barangay Maanahao.

Napag-alaman na nagreklamo sa mga rebelde ang mga residente sa grupong pinamumunuan ni Ka Rodel para masugpo ang nagaganap na nakawan sa nasabing barangay kaya agad na umaksiyon ang rebeldeng NPA. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments