Inoobserbahan sa Zamboanga Medical Center ang mga biktimang pansamantalang hindi nabanggit ang mga pangalan matapos na makadama ng pagkahilo, pananakit ng tiyan, nahihirapan huminga at pagsusuka dahil sa nalanghap na chlorine gas.
Napag-alaman na nagpapanakbuhan ang mga residente papalayo ng kanilang bahay at ang ilan ay nahimatay sa kalsada matapos na makalanghap ng masangsang na amoy.
Lumalabas sa inisyal na pagsusuri ni Rogelio Bucoy, city sanitary inspector na chlorine gas ang sumingaw base na rin sa yellowish crystals na natagpuan sa metal cylinder mula sa junk shop na binubuksan ng mga trabahador.