26-katao naospityal sa chlorine gas
August 21, 2003 | 12:00am
ZAMBOANGA Aabot sa dalawamput anim-katao kabilang ang 20 menor-de-edad ang iniulat na naospital makaraang makalanghap ng sumingaw na chlorine gas mula sa junk shop na sakop ng Sta. Barbara, Zamboanga kahapon.
Inoobserbahan sa Zamboanga Medical Center ang mga biktimang pansamantalang hindi nabanggit ang mga pangalan matapos na makadama ng pagkahilo, pananakit ng tiyan, nahihirapan huminga at pagsusuka dahil sa nalanghap na chlorine gas.
Napag-alaman na nagpapanakbuhan ang mga residente papalayo ng kanilang bahay at ang ilan ay nahimatay sa kalsada matapos na makalanghap ng masangsang na amoy.
Lumalabas sa inisyal na pagsusuri ni Rogelio Bucoy, city sanitary inspector na chlorine gas ang sumingaw base na rin sa yellowish crystals na natagpuan sa metal cylinder mula sa junk shop na binubuksan ng mga trabahador.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest