5 kawal sundalo patay sa ambush ng NPA
August 21, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Limang sundalo ng Phil. Army ang napaslang habang isa pa ang sugatan matapos tambangan ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa Baganga, Davao Oriental kahapon ng umaga.
Kinilala ang mga nasawing sundalo na sina Master Sgt. Oscar Andales, Sgt. Aris Montes, Sgt. Vicente Fillaz, Private 1st Class Willy Manlana at Bayan Jamad.
Ang nasugatan na isa ring enlisted personnel na isinugod sa pagamutan ay nakilala namang si Private Abdu Abrasa Kamid.
Nabatid na lulan ang mga biktimang kasapi ng Armys 534rth Engineering Covert Battalion at 55th Engineering Division sa ilalim ng Armys 55th Engineering Brigade sa FAW dump truck ng paulanan ng bala ng mga rebeldeng NPA na nakaposisyon sa highway ng Sitio Kamangan, Brgy. Binondo, Baganga, Davao Oriental dakong alas-10 ng umaga.
Napag-alamang magsasagawa ng rehabilitasyon sa lugar tulad ng pagkukumpuni sa mga tulay at magsasagawa ng support mission nang maganap ang pananambang.
Ang grupo ng mga rebelde ay pawang mga tauhan ni Leonardo Pitao alyas Commander Parago ng Medardo Arce Command na aktibong nag-ooperate sa nasabing lalawigan.
Tumagal ng ilang minuto ang pangyayari saka tumakas tangay ang dalawang malakas na kalibre patungo sa direksiyon ng kagubatan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended