2 mangingisda pinatay sa laot
August 20, 2003 | 12:00am
Dalawang mangingisda ang inulat na pinatay sa laot ng kanilang kabaro habang ang mga biktima ay nakasakay ng bangkang naglalayag sa karagatang sakop ng Quezon, Palawan kamakalawa.
Kinilalang pulisya ang mga biktimang nasawi na sina Marcos Geronimo at Rolando Villaren, samantala, ang suspek na agad namang inaresto ay nakilalang si Alfredo del Rosario, alyas Jun, 35 ay kinasuhan na ng murder.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Villaren at ang suspek habang naglalayag sa nasabing karagatan.
Hanggang sa mapatay sa saksak si Villaren at dahil sa nasaksihan ni Geronimo ang pangyayari ay agad itong tumalon mula sa bangka na pinaniniwalaang nalunod. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest