^

Probinsiya

P81-M droga sinunog sa Cavite

-
CAMP CRAME – Tinatayang aabot sa P81 milyong bawal na droga ang sinunog ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Integrated Waste Management Incinerator Facility sa Trece Martirez City kahapon ng umaga.

Kabilang sa sinunog ay tumitimbang na 40,509.87 kilong shabu na nagkakahalaga ng P81,019,740.00; 1,018.41 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana (P25,460, 25.24) gramo ng ephedrine (P31,200.00); P2, 100.00 tableta ng morphine at dalawang bote ng phentermine (P156).

Ang ginawang pagsunog sa bawal na droga ay pinangunahan nina Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, DILG Sec. Jose "Joey" Lina Jr at PDEA Director General Anselmo Avenido Jr. at sinaksihan ng mga lokal na opisyal ng nasabing lalawigan.

Nabatid na ito ang ikaapat na pagkakataon na nagsagawa ng panununog ang PDEA simula noong Agosto 2002. (Ulat nina Joy Cantos at Cristina G. Timbang)

vuukle comment

AGOSTO

CRISTINA G

DIRECTOR GENERAL ANSELMO AVENIDO JR.

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

INTEGRATED WASTE MANAGEMENT INCINERATOR FACILITY

JOY CANTOS

KABILANG

LINA JR

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

TRECE MARTIREZ CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with