^

Probinsiya

6 hepe ng pulisya, sibak sa droga

-
LINGAYEN, Pangasinan – Anim na chief of police ang inirekomendang sibakin sa kanilang puwesto makaraang manahimik ng pitong buwan laban sa kampanya sa bawal na droga sa naturang lalawigan.

Ang mga opisyal ng pulisya na inirekomenda ni P/Supt. Edgar Basbas, deputy provincial director for operation na sibakin sa puwesto bilang chief of police sa susunod na linggo ay sina P/Senior Inspector Jeremias Rasing ng Agno police station, Supt. Zosimo Fernandez sa bayan ng Bani, Senior Inspector Tomas Obillo ng Dasol police station, Chief Insp. Reynaldo Tamondong ng Basista police station, Senior Insp. Leonardo Tabelin ng San Fabian police station at Supt. Bernardo Reamon ng Manaoag police station.

Si Basbas na kasalukuyang deputy provincial director for operation at vice chairman of the deliberation board na naatasang magsagawa ng performance audit sa mga chief of police sa 44 bayan ay ilalagay sa floating status ang anim na chief of police at mag-uulat sa police provincial headquarters.

Ang performance audit ay nagsimula noong Enero hanggang Hulyo 31 na may kabuuang pitong buwan pero sa mga sisibaking chief of police, lumalabas na zero apprehension laban sa mga drug pusher sa kanilang nasakupang bayan, ayon pa kay Basbas.

Sinabi naman ni Police Senior Supt. Mario Sandiego, provincial director na dalawang bagay lamang ang ibig sabihin ng zero apprehension: una ay naging epektibo ang kanilang kampanya laban sa kriminalidad partikular na sa bawal na droga o kaya’y tinutulugan nila ang trabaho.

Hindi naman nasiyahan si Basbas sa ibinigay na paliwanag ng anim na hepe ng pulisya tungkol sa pagkawala ng mga drug pusher sa mga barangay dahil bineripika ng evaluators at napatunayang talamak pa rin ang pagbebenta ng bawal na droga.

Gayunman, inirekomenda naman ni Sandiego na bigyan ng kaukulang cash reward dahil sa kanilang accomplishment ang limang hepe ng pulisya sa bayan ng San Quintin, Urdaneta City, bayan ng Sison, Dagupan City, Alaminos City at bayan ng Calasiao.(Ulat ni Eva Visperas)

vuukle comment

ALAMINOS CITY

BASBAS

BERNARDO REAMON

CHIEF INSP

DAGUPAN CITY

EDGAR BASBAS

EVA VISPERAS

LEONARDO TABELIN

MARIO SANDIEGO

POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with