Pumatay sa ama at lolo arestado
August 16, 2003 | 12:00am
CAMP BADO DANGWA, Benguet Isang 27-anyos na lalaki na pumatay sa kanyang sariling ama at lolo sa Ibulao, Lagawe, Ifugao ang naaresto ayon sa ulat kahapon ng pulisya dito.
Sa ulat na tinanggap ni Chief Superintendent Victor P. Luga, PNP director ng Cordillera Administrative Region, kinilala ang suspek na si Marcelo Butlong, binata na pinaniniwalaang drug addict at maton sa kanilang lugar.
Batay sa ulat, noong gabi ng Agosto 4, bigla na lamang nitong pinagpupukpok ng matigas na bagay sa ulo ang kanyang lolo na si Ingulon Butlong, 77 hanggang sa ito ay mamatay.
Dalawang araw makaraan ang pagpatay sa kanyang lolo ay pinagtataga naman nito ang sariling ama na si Pullig Butlong, 60, ng Mapwoy, Lagawe hanggang sa ito ay mamatay.
Mula noon ay nagtago na ang suspek at itinuturing ng mga pulis na top most wanted sa kanilang lalawigan.
Sa pinag-ibayong kampanya ng pulisya para hanapin ang salarin ay nasakote ito sa kanyang pinagtataguan sa Poblacion North, Lagawe, Ifugao.
Dalawang kasong parricide ang isinampa ng pulis laban sa suspek. (Ulat ni Myds Supnad)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am