2 h.s. student nakatakas sa white slavery gang
August 16, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Tapang ng loob ang pinuhunan ng dalawang dalagitang estudyante sa high school nang walang takot na takasan ng mga ito ang kanilang mga abductors na pinaghihinalaang miyembro ng notoryus na white slavery gang sa naganap na insidente sa Misamis Oriental kamakalawa.
Kinilala ang isa sa nakatakas na bihag na si Irene Baslot, 17, 4th year high school sa St. Anthony High School at residente ng Maputi Naawa, Manticao ng nasabing lalawigan. Ang isa pa ay sinasabing kamag-aral ni Baslot.
Base sa teorya ng mga awtoridad, pinaniniwalaang ang mga suspek ay kasapi ng white slavery gang na nambibiktima ng mga estudyante sa Iligan City at ibinibiyahe sa Metro Manila at pinapasa sa mga parukyano ng sindikato.
Ayon sa imbestigasyon, ang dalawang biktima ay kasalukuyang naglalakad sa nasabing lugar malapit sa Brgy. Hall Poblacion, Manticao nang biglang lapitan ng tatlong armadong suspek at puwersahang isakay sa isang kulay puting Toyota Tamaraw na walang plaka.
Sa nasabing sasakyan na tumahak patungo sa direksiyon ng Iligan City ay nakita ni Baslot ang isa pang dalagita na nasa loob ng sasakyan at may tali ng tela sa bibig na hinihinalang isa rin sa mga dinukot na mga suspek.
Pagsapit sa Brgy. Christina, Iligan City, Lanao del Sur ay hindi umano makadaan ang sasakyan ng mga suspek dahil sa checkpoint ng pulisya.
Humimpil muna ang sasakyan sa parking area ng Gaisano Shopping Center.
Hindi na nag-aksaya ng pagkakataon ang dalawang biktima ay tumakas ito nang makatiyempo habang naiwan naman ang isa pang di kilalang biktima na walang ginawa kundi mag-iiyak.
Ang dalawang biktima ay nagtungo sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya kung saan sinundo ang mga ito ng kanilang mga magulang nang mabatid ang kanilang sinapit. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
8 hours ago
Recommended