Ayon sa ulat ni Atty. Hector E. M. Geologo ng NBI, ang mga biktimang pinagmalupitan ng mag-asawang sina Aida Costa at Baltazar Costa ay nakilalang sina Juanito Evangelista, Avelino Rigon, Michael Solis, George Suarez, John Christopher Enriquez, Patrick Centeno, Edilberto Lucas, at Benito Peñaflor.
Ang mga biktimang nagtatrabaho ng labis sa oras ay pawang namamasukan sa pabrika ng toge at farm ng mga itik. (Ulat ni Efren Alcantara)