Pumugang mutineer tiklo

CAMPO CRAME – Bumagsak sa mga kamay ng pinagsanib na puwersa ng Special Warfare Group (SWAG) at Intelligence Security Forces (ISF) ang isang pumugang mutineer makaraang mamataan sa Baclaran, Parañaque City kahapon ng madaling-araw.

Sumailalim na sa masusing interogasyon si Corporal Alex del Valle ng Philippine Navy matapos na malambat bandang ala-1 ng madaling-araw.

Base sa ulat, si Del Valle ay isinasangkot sa tangkang kudeta noong Hulyo 27, 2003 at naipiit sa Cavite Naval Base pero nakapuga may dalawang araw na ang nakalilipas. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments