5 AFP officers sa Visayas sinibak sa mutiny
August 14, 2003 | 12:00am
BACOLOD CITY Limang military junior officers na nakatalaga sa Visayas ang sinibak sa kanilang puwesto makaraang madiskubreng may kinalaman sa Makati City mutiny, ayon kay Major Lyndon Sollesta, tagapagsalita ng Armys 3rd Infantry Division kahapon.
Napag-alaman na ang kautusan ay ipinalabas ni Major General Reynaldo Alcasid ng 3rd Infantry Battalion commander habang iniimbestigahan ang kaso ng limang opisyal ng Armed Forces of the Philippines na nakabase sa Camp Macario Peralta sa Jamindan, Capiz.
Kabilang sa sinibak na junior officers ay sina ILt. Charlie Banaag (PMA Class 99), 11st IB Alpha Company commander na nakabase sa La Carlota City, Negros Occidental; Capt. Sandy David, Capt. Randy Pedroso, kapwa PMA Class 95; ILt. Alan Margarata, PMA Class 99 at 2Lt. Romeo Celis, PMA Class 2000.
Si Banaag ay boluntaryong nagtungo noong Linggo sa kampo ng 3rd ID sa Jamindan, Capiz para klaruhin ang pangalan.
Kinumpirma naman ni Col. Gregorio Fajardo ng 11th IB commanding officer na may kautusan kay Banaag na magbigay ng paliwanag sa pagkakasangkot ng kanyang pangalan sa naganap na mutiny.
Napag-alaman na sina David at Margarata ay miyembro ng 78th Infantry Battalion sa Cebu, samantalang si Celis naman ay nakatalaga sa 15th Infantry Battalion sa Bohol habang si Pedroso ay kumander ng 87th Military Intelligence Company.
Gayunman, nagpaliwanag si Fajardo na si Banaag ay nasa Negros noong naganap ang tangkang kudeta sa Makati City.
Sinabi naman nina Sodusta, Fajardo at Lt. Col. Rey Guerrero, commander ng 61st Infantry Battalion na lahat ng sundalong nasa kanilang command ay accounted kabilang na si Banaag habang isinasagawa ang mutiny sa Makati City noong Hulyo 27, 2003. (Ulat ni Antonieta B. Lopez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest